PBBM ipinanawagan ang agarang pagpapatupad sa kasunduang pangkapayapaan sa Myanmar

PBBM ipinanawagan ang agarang pagpapatupad sa kasunduang pangkapayapaan sa Myanmar

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nararapat ang agarang pagpapatupad ng five point consensus peace plan upang masolusyunan ang krisis sa Myanmar.

“The Philippines thus reiterates the need for the speedy implementation of the five point consensus, which Myanmar agreed to in the ASEAN leaders’ meeting held in Jakarta in April 2021,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa intervention speech sa 41st ASEAN Summit Retreat.

Dito hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga kapwa leader nito sa ASEAN na tugunan ang mga panawagan na magbibigay ng proteksiyon sa mamamayan ng Myanmar.

Ang kasunduang pangkapayapaan ay nagsusulong na matuldukan ang tumitinding sigalot sa Myanmar at ang pagkakaroon ng dayalugo sa pagitan ng militar at ng opposition movement.

While the Philippines adheres to the ASEAN principles of non-interference and consensus, the protracted suffering of the people in Myanmar, in part due to the lack of progress in the implementation of the five point consensus, also challenges the ASEAN-honored principles of democracy and the respect for and protection of human rights and fundamental freedoms enshrined in the ASEAN charter” dagdag nito.

Hinikayat naman ng Pangulo ang mga ASEAN leaders na gumawa ng mga hakbang na makatutulong sa mga sitwasyon ng Myanmar upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

Ito aniya ay magpapatunay sa bisyon ng ASEAN bilang people-centered at people-oriented.

 

Follow SMNI News on Twitter