PBBM, ipinangakong ipagpatuloy ang road projects sa labas ng Metro Manila

PBBM, ipinangakong ipagpatuloy ang road projects sa labas ng Metro Manila

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ipagpapatuloy nito ang road projects sa labas ng Metro Manila.

Sa pahayag ng Pangulo, ito’y para mapalakas pa ang ekonomiya dahil sa development dulot ng physical connectivity ng mga lugar.

Kasunod ito ng inagurasyon ng 3 core projects sa ilalim ng improving growth corridors sa Mindanao Road Sector project sa bayan ng Alicia, Zamboanga Sibugay na dinaluhan ng Pangulo.

Naniniwala si Pangulong Marcos na kapag nagkaroon ng development ay magkakaroon ng negosyo, iba’t ibang establisyemento na Micro Small Medium Enterprises (MSMEs) na magbibigay ng karagdagang trabaho sa mga residente sa lugar.

Ang naturang proyekto ay bahagi ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) road network na layong tugunan ang problema sa supply chain at mapabilis ang transportasyon ng publiko.

Popondohan naman ng Asian Development Bank (ADB) ang naturang tatlong proyekto na saklaw ang mahigit 69 kilometro ng kalsada kabilang na ang 21 tulay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble