ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Presidential Spokesman Harry Roque bilang kanyang private counsel.
Ibinahagi ito ni Roque sa kanyang Facebook post kasabay ang larawan niya kasama si Pangulong Marcos sa Malacañang noong Hulyo 27.
Kasama nila sina Executive Secretary Vic Rodriguez, Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Solicitor General Menardo Guevarra, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ang pagpupulong ay tungkol umano sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war ng nakaraang Duterte administration.
Gayunpaman, wala ng karagdagang impormasyon ang Malacañang sa nasabing pagpupulong.