PBBM itinalaga si LtGen. Emmanuel Peralta bilang OIC ng PNP

PBBM itinalaga si LtGen. Emmanuel Peralta bilang OIC ng PNP

EPEKTIBO nitong Marso 31, 2024, opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si PLt.Gen. Emmanuel Peralta bilang Officer-In-Charge ng Philippine National Police (PNP).

Sa bisa ng order ng Malakanyang na pinirmahan ng tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, si Peralta ay kasalukuyang mangunguna sa buong hanay ng PNP hanggang sa opisyal na makapili ang Pangulo ng susunod na hepe ng PNP.

“In the exigency of the service, and to ensure the continuous and effective delivery of service, please be informed that Police Lieutenant General Emmanuel Baloloy Peralta is designated as concurrent Officer-In-Charge, Office of the Chief, PNP, effective 31 March 2024, until a replacement is appointed or until otherwise directed by this office,” saad ni Sec. Lucas Bersamin, Executive Secretary.

Pinalitan ni Peralta si Police General Benjamin Acorda Jr. kasunod ng pagtatapos ng extension period nito sa PNP.

Isa naman sa mga maipagmamalaki ng nagdaang administrasyon ng PNP ang anila’y mababang bilang ng naitalang krimen sa bansa.

Nasa ilalim din ng liderato ni General Acorda nang makakuha sila ng mahigit na otsenta porsiyento na approval at trust ratings ng PNP.

Sa kabilang banda, tikom pa rin ang bibig ni General Acorda kung may alok na ibang posisyon ang Pangulo sa kaniya.

Si Peralta ay kasalukuyang Deputy Chief for Administration, Philippine National Police.

Nagsilbi rin siyang PNP Chief of Directional Staff, Former PNP Director of Operations (DO), Former Director, PNP Directorate for Human Resource and Doctrine Development (HRDD), Former Director, PNP Regional Office 1 (Ilocos Region) at Former Commander, Cotabato Provincial Police Office.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble