PBBM, may napili na ng kanyang magiging DOTr Secretary

PBBM, may napili na ng kanyang magiging DOTr Secretary

MAY napili na bilang susunod na kalihim ng Department of Transportation (DOTr) si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pinangalanan na ni PBBM si Jimmy Bautista bilang susunod na Transportation Secretary-designate.

Si Bautista ay isang certified public accountant at dating presidente ng Philippine Airlines.

Pinangalanan din ang broadkaster na si Cesar Chavez bilang Undersecretary-designate for rails ng DOTr.

Si Chavez ay dati na ring hinawakan ang posisyon noong 2017.

Habang ang abogada at mamamahayag na si Cheloy E. Garafil ang susunod na LTFRB Chairman-designate.

At ang negosyanteng si Chet Pastrana bilang general manager-designate ng Philippine Ports Authority (PPA).

Samantala, kukunin din ni PBBM ang 2 gabinete ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Duterte.

Napili si incumbent Labor Secretary Silvestre Bello III upang pamunuan ang Manila Economic and Cultural Office.

Habang nominado naman si Karlo Nograles na dating Cabinet Secretary ni Pangulong Duterte bilang chairman ng Civil Service Commission (CSC).

Follow SMNI NEWS in Twitter