PBBM, muling nanindigan na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas

PBBM, muling nanindigan na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas

NANANATILI ang panindigan ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. patungkol sa kanyang posisyon sa planong pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi nagbago ang kanyang posisyon sa naturang usapin, aniya, hindi papayagan ng kanyang administrasyon ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa Pilipinas.

“My position hasn’t changed and I have stated it often even before I took office as President that there are many questions about their jurisdiction and what can be — what we in the Philippines regard as an intrusion into our internal matters and a threat to our sovereignty,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na ang Pilipinas ay isang sovereign nation at hindi na kolonya ng mga dayuhang kapangyarihan, kaya wala aniyang hurisdiksyon ang ICC sa bansa.

Muling iginiit ni Pangulong Marcos na gumagana at mayroong magandang sistema ang hudikatura ng Pilipinas.

“So no, I do not see what their jurisdiction is. I feel that we have in our police, in our judiciary, a good system. We do not need assistance from any outside entity, the Philippines is a sovereign nation and we are not colonies anymore of this former imperialist. So that is not something that we consider to be a legitimate judgment. So until those questions of jurisdiction and the effects on the sovereignty of the Republic are sufficiently answered, I cannot cooperate with them,” dagdag ng Pangulo.

FPRRD, muling pinasaringan ang ICC

Samantala, muling binigyang-diin ni dating Pangulong Duterte na tatayo lamang siya sa paglilitis sa harap ng isang Pilipinong hukom sa bansa at mas nanaising ikulong sa kulungan ng Pilipinas kaysa harapin ang ICC.

Binanggit ito ni FPRRD sa gitna ng kanyang pagdalo sa kauna-unahang ‘King is Coming Tour’ sa taong ito ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na ginanap sa Antipolo City nitong Pebrero 19.

“Maniwala man ang ICC o hindi, iyan talaga ang totoo, sinabi ko, ‘p*t*ng in* mo’. Harap-harapan kong sinabi iyan. Bakit? It’s not really a question of being afraid to go to prison or not. That’s not my concern. Matanda na ako,” wika ni dating Pangulong Duterte.

Sinabi pa ng former Chief Executive na nananatili ang kanyang prinsipyo na pangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan mula sa pagkalulong sa salot na iligal na droga.

“It was a matter of prinsipyo sa akin na gusto kong makita kung anong dapat sa bayan ko.  Huwag mong sisirain, anak ka ng p*t*ng in* mo. Talagang hihiritan kita. Why? I will repeat it, I said at the beginning, I am Rodrigo Roa Duterte, a Filipino and I love the Filipino,” dagdag ng dating Pangulo.

Sa kabilang banda, muling pinasalamatan ni FPRRD ang mamamayang Pilipino sa pagkakataon na ibinigay sa kanya na makapaglingkod at mamuno sa bansang Pilipinas.

“And I would like to thank you. Maraming salamat po for giving me a rare as distinct privilege to serve my country for 6 years. Ginawa ko ang lahat at iyon lang ang lahat ng makakaya ko. More than that, wala na akong maibigay. But then again, I said, mamatay man ako bukas, mamaya o next year, ako’y maligayang-maligaya na pupunta sa langit at magkaisa sa ating Diyos,” pagtatapos ni FPRRD.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter