PBBM, nagbahagi ng mensahe sa Singapore FinTech Festival 2023

PBBM, nagbahagi ng mensahe sa Singapore FinTech Festival 2023

NAGBAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kaniyang mensahe sa Singapore FinTech Festival (SFF) 2023 sa pamamagitan ng hologram nitong Nobyembre 15, 2023.

Ang SFF 2023 ay inaasahang magtitipon ng higit sa 500 exhibitors mula sa 134 na bansa upang magbigay ng plataporma para sa iba’t ibang sektor na pag-usapan ang pinakabagong trends, challenges at opportunities sa larangan ng financial technology sa buong mundo.

Para sa partisipasyon ng bansa, itinatampok ng SFF 2023 ang Philippine Country Pavilion na nagpapakita ng ‘Bagong Pilipinas’ brand of good governance at fundamental transformation ng administrasyon sa lahat ng sektor ng lipunan at gobyerno.

Ito ay sa pamamagitan ng collaborative efforts ng FinTech Alliance. PH, Presidential Communications Office (PCO) at ng Embassy of the Philippines sa Singapore.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter