IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na walang pasok sa trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa NCR, CAR, Calabarzon, Region 1, 2, 3 at 5 ngayong araw, Setyembre 26, 2022.
Ito ay batay sa naging rekomendasyon ng NDRRMC bunsod na rin ng posibleng epekto ng super typhoon Karding.
Ipinauubaya naman ng pamahalaan sa pribadong mga kompanya, opisina, at paaralan sa kanilang diskresyon kung sila ay magsususpinde ng trabaho at klase.
Hindi naman kasama ang mga frontline agencies na nagbibigay ng emergency services.
Samantala, nagpalabas din ng kautusan ang Department of Education na maaaring magdesisyon ang mga local chief executive ng suspensyon ng klase at trabaho kung ang kanilang lugar ay nasa ilalim ng yellow rainfall warning o flood warning mula sa PAGASA.