PBBM, nagpahayag ng pakikiramay sa Iran sa pagkamatay ni Pres. Raisi, FM Amirabdollahian

PBBM, nagpahayag ng pakikiramay sa Iran sa pagkamatay ni Pres. Raisi, FM Amirabdollahian

IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang pakikiramay at panalangin sa mga Iranian at sa gobyerno ng Islamic Republic of Iran.

Ito’y matapos masawi sina Iranian President Ebrahim Raisi at Foreign Minister Hossein Amirabdollahian sa isang helicopter crash.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang sambayanang Pilipino ay nakikidalamhati kasama ng Iran lalo na sa mga pamilya at mga mahal sa buhay ng mga yumaong lider ng naturang bansa.

Sina President Raisi at Foreign Minister Amirabdollahian kasama ang ilang iba pang opisyal ay natagpuang patay noong Lunes ilang oras matapos na mabalitaang bumagsak ang kanilang helicopter dahil sa masamang kondisyon ng panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble