DEKALIDAD at magagaling ang mga itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na bagong miyembro ng kaniyang gabinete.
Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa kaniyang programa sa SMNI News.
Ani Enrile, walang yabang at talagang marunong manindigan ang mga bagong talaga na sina Defense Sec. Gilbert ‘Gibo’ Teodoro at Health Sec. Dr. Ted Herbosa.
Inilarawan pa ni Enrile si Teodoro na ‘good choice’ ng Pangulo habang ‘very capable’ naman aniya si Herbosa.