PBBM, nakabalik na ng Pilipinas matapos ang pagbisita sa US

PBBM, nakabalik na ng Pilipinas matapos ang pagbisita sa US

NAKABALIK na ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. mula sa kaniyang matagumpay na partisipasyon sa 30th Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa San Francisco, California at kaniyang working visits sa Los Angeles, California at Honolulu, Hawaii.

Sa kaniyang arrival statement nitong gabi ng Lunes sa Villamor Air Base, Pasay City, nagpahayag si Pangulong Marcos ng mataas na pag-asa na ang naturang paglalakbay ay maghahatid ng kapayapaan, katatagan, at kaunlaran hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong Indo-Pacific region.

Noong Oktubre 14, si Pangulong Marcos at ang kaniyang delegasyon ay umalis ng bansa para sa isang anim na araw na official trip sa US para dumalo sa ika-30 APEC Economic Leaders’ Meeting at 2nd IPEF Leaders’ Meeting.

Nagsagawa rin si Pangulong Marcos ng magkakahiwalay na pagpupulong kay President Xi Jinping ng People’s Republic of China, Peruvian President Dina Ercilia Boluarte Zegarra, U.S. Vice President Kamala Harris, U.S. Secretary of State Antony Blinken, at U.S. INDOPACOM Commander, Admiral John Aquilino.

Saad ni Pangulong Marcos, produktibo ang kanilang naging mga talakayan kung saan itinaguyod nila ang kanilang mga pangako sa higit pang pagpapalakas ng kooperasyon.

“Our discussions were of course very productive, with innovation, resilience, sustainability, and inclusiveness as cross-cutting themes that are buttressed by our commitment to further strengthening cooperation and to address challenges that are common to all our economies both economic challenges and security challenges,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa APEC Economic Leaders’ Meeting, sinabi ni Pangulong Marcos na isinulong niya ang mga prayoridad sa pagkakaroon ng malinis, makatarungan, naa-access at abot-kayang enerhiya.

Itinulak din ng Punong Ehekutibo ang seguridad ng pagkain; sistema ng kalusugan; digitalization at digital transformation pati ang digital inclusion ng MSMEs; at climate action sa pamamagitan ng regional cooperation.

Sa parehong paglalakbay, nilagdaan ng Pilipinas at US ang civil nuclear cooperation agreement, na magbibigay daan para sa mga potensiyal na proyekto ng nuclear power sa mga provider ng Amerika.

“One of the most important is the signing of the so-called “123” Agreement, which is a civil nuclear cooperation agreement with the United States. This paves the way for potential nuclear power projects with American providers as well as for streamlining licensing requirements for the private sector with respect to investments on nuclear-related intangible transfers of technology, while ensuring the highest standards of safety, security, and safeguards,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Nilagdaan din ng dalawang bansa ang IPEF Supply Chain Agreement, na magsisilbing mekanismo para sa pagpapabuti ng transparency ng supply chain.

Nakilala rin ng delegasyon ang ilang kompanya ng U.S. na nagnanais na makapasok sa merkado ng Pilipinas at palawakin ang kanilang kasalukuyang presensiya at operasyon sa bansa.

Nagawa rin ng Pilipinas na tapusin ang ilang public-private at private sector agreements sa U.S. companies.

Kabilang dito ang ATMO para sa AI-powered weather forecasting system; at Astranis at Orbits Corp. upang magdala ng maaasahang koneksiyon sa internet sa mga lugar na hindi naseserbisyuhan at kulang sa serbisyo sa bansa.

“This USD 400 million partnership will be a catalyst for economic growth and digital transformation in the energy sector. Essentially, what that project is about is that now the Philippines is launching a satellite dedicated for the Philippines alone. And this is for communication and this will increase the coverage of our internet providers. And by the way, we named the satellite Agila,” ani Pangulong Marcos.

Nagsagawa rin ng mga pagpupulong para sa mga inaasahang mamumuhunan sa sektor ng enerhiya, parmasyutiko, at pangangalagang pangkalusugan.

Sa kabuuan, nakapag-uwi ang Philippine delegation ng humigit-kumulang USD 670 million investment pledges.

Ito ay may potensiyal na lumikha ng libu-libong trabaho para sa mga Pilipino sa loob ng bansa.

Nakipag-ugnayan din ang Punong Ehekutibo sa mga Filipino community sa San Francisco, Los Angeles, at Hawaii.

Tinapos ni Pangulong Marcos ang kaniyang pagbisita sa isang speaking engagement sa Daniel K. Inouye Asia Pacific Center for Security Studies (DKI APCSS), kung saan ibinahagi niya ang kaniyang mga pagninilay sa pinakamahahalagang hamon na kinakaharap ng rehiyon.

Follow SMNI NEWS on Twitter