PBBM, nakakuha ng 10/10 rating mula sa isang kongresista

PBBM, nakakuha ng 10/10 rating mula sa isang kongresista

NAKAKUHA ng 10 out of 10 na rating si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula kay Bataan 1st District Congressman Geraldine Roman sa katatapos lamang na State of the Nation Address (SONA) nito.

Ayon sa mambabatas, naging malinaw at direkta ang talumpati ng Pangulo bagay na nagustuhan ng mga mambabatas.

Dagdag pa ni Roman, malinaw na nailatag ng Pangulong Marcos ang mga minimithi ng administrasyon lalo na pagdating sa ekonomiya para sa bansa.

Aniya, maganda rin ang hangarin ng Pangulo na magtayo ng sariling Center for Disease Control, Virology Center at ang decentralization ng mga specialized hospital sa bansa gaya ng Heart Center, National Kidney and Transplant Institute at marami pang iba.

Paliwanag pa ni Roman, dapat na maikalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga nasabing uri ng ospital nang sa gayon ay hindi na kailangan pang magtungo sa syudad ang pasyente para lamang magpagamot.

Follow SMNI NEWS in Twitter