PBBM, nakamonitor sa lagay ng mga apektado ng flash floods at landslides sa Davao del Sur at Davao Occ.

PBBM, nakamonitor sa lagay ng mga apektado ng flash floods at landslides sa Davao del Sur at Davao Occ.

NAKAMONITOR si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lagay ng mga apektado ng flash floods at landslides sa Davao del Sur at Davao Occidental.

Sa kabila ng pakikibahagi sa APEC Summit sa Thailand, ay mahigpit na nakamonitor si Pangulong Marcos sa sitwasyon ng mga apektadong residente.

Ang nangyaring flash floods at landslides ay dala ng malakas na pag-ulan bunsod ng Inter-Tropical Convergence Zone.

Kasunod nito, ay nagkaroon na ng aksyon ang concerned agencies upang matiyak ang kaligtasan ng mga naapektuhang indibidwal.

Sa kasalukuyan, isinasagawa na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang clearing operations.

Nagsimula na ring mamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng relief goods.

Inatasan ni Pangulong Marcos ang DSWD na tiyaking makatatanggap ng agarang tulong ang mga evacuee.

Patuloy namang minomonitor ng pamahalaan sa mga nasa evacuation center para i-assess kung ano pang tulong ang kanilang kinakailangan.

Samantala, ang Armed forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Fire Protection (BFP) kasama ang NDRRMC ay nagsagawa na rin ng search and rescue operations.

Follow SMNI NEWS in Twitter