PBBM, nakipagpulong kay US VP Kamala Harris

PBBM, nakipagpulong kay US VP Kamala Harris

NAKIPAGPULONG sina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos kina Vice President Kamala Harris at Second Gentleman Douglas Emhoff.

Ginanap ang meeting sa Number One Observatory Circle, U.S. Naval Observatory sa Washington, D.C. nitong Martes.

Parehong ipinangako nina Pangulong Marcos at VP Harris na palakasin ang mutually beneficial partnerships sa pagitan ng Manila at Washington.

Ito ay sa malawak na hanay ng digital inclusion at clean energy economy.

Pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Harris sa paglalatag ng groundwork para sa kaniyang pakikipagpulong kay Pangulong Joe Biden sa White House noong Lunes.

Pinuri naman ni Harris si Marcos sa kaniyang pamumuno at pagsisikap na bigyang-priyoridad ang mutual prosperity at security ng dalawang bansa.

Kasama rin ni Pangulong Marcos sa naturang pulong sina Speaker Martin Romualdez, Ambassador Jose Manuel Romualdez, Mrs. Maria Lourdes Romualdez, at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter