PBBM, nakipagpulong sa mga foreign minister ng Australia at Canada sa Malacañang

PBBM, nakipagpulong sa mga foreign minister ng Australia at Canada sa Malacañang

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kay Hon. Penny Wong, senador at foreign minister ng Australia, at kay Hon. Mélanie Joly, foreign minister ng Canada, sa magkahiwalay na courtesy call sa Malacañang nitong Mayo 18.

Sa naging meeting kay Australian Foreign Minister Wong, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng mas matibay na ugnayan ng Pilipinas-Australia sa kalakalan, people-to-people relationships, security at defense, gayundin ang pinahusay na pakikipagtulungan sa Asia Pacific Region.

Samantala, tinanggap ni Pangulong Marcos ang kahilingan ni Canadian Foreign Minister Joly para sa suporta ng Pilipinas sa negosasyong malayang kalakalan ng Canada sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ang dalawang foreign ministers ay nagpahayag ng kanilang pangako sa pagpapabuti ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan kasama rito ang mga scholarship at agrikultura.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter