PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. ang ika-4 na National Innovation Council (NIC) meeting sa Malakanyang, araw ng Martes, Pebrero 21.
Kasama sa agenda ng pulong ang mga mahahalagang features at updates sa pagpapatupad ng Philippine Innovation Act of 2019, pagpili ng pitong (7) Executive Members ng NIC 2023-2026, pag-apruba ng opisyal na logo ng NIC, at iba pa.
Nalikha ang NIC noong Abril 17, 2019 sa pamamagitan ng Republic Act (RA) No. 11293 o ang ‘Philippine Innovation Act.’
Ito ay isang 25-member policy advisory group na nagsisilbing policy making body ng Pilipinas sa innovation.
Ang NIC ay may tungkuling itakda ang direksyon ng innovation goals, priorities at long-term national strategies ng bansa.
Sa pamamagitan ito ng pagbabalangkas ng National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD).
Ang Pangulo ay nagsisilbing NIC Chairperson kasama ang National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary bilang Vice Chairperson.
Ang natitirang mga miyembro ay binubuo ng 16 na Department Secretaries at pitong (7) Executive Members mula sa pribadong sektor.