PBBM, nangako ng resettlement housing sa mga apektado ng pagbaha sa Misamis Occ.

PBBM, nangako ng resettlement housing sa mga apektado ng pagbaha sa Misamis Occ.

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Housing Authority (NHA) na maghanap ng resettlement area para sa mga residente ng Misamis Occidental na ang mga bahay ay nawasak dahil sa mga pagbaha.

Sinabi ni Pangulong Marcos na nakipag-coordinate na ang Office of the President sa NHA kung saan hahanapan ng resettlement area ang mga pamilya na totally destroyed ang bahay.

Oras na matukoy na ang relocation, magpapadala ang gobyerno ng rebuilding materials upang makapagsimula na ang flood-affected families sa pagtatayo ng kanilang bagong tahanan.

Samantala, hangad din ng Pangulo na pag-ibayuhin ang flood-control structures, na nagsisilbing unang linya ng depensa laban sa mga baha at umaapaw na ilog.

Follow SMNI NEWS in Twitter