PBBM, personal na namahagi ng tulong sa mga apektado ng Bulkang Mayon

PBBM, personal na namahagi ng tulong sa mga apektado ng Bulkang Mayon

PERSONAL na namahagi si Pangulong Ferdinand R. Maros, Jr. ng nasa P50-M halaga ng tulong para sa emergency employment ng libu-libong pamilyang apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Mayon.

Inabot mismo ni Pangulong Marcos ang mga cheke sa mga alkalde ng Daraga, Camalig, Guinobatan, Malilipot, Ligao City at Tabaco City na gagamitin para sa 5,016 na pamilya sa mga evacuation center.

Ayon kay Department of Labor and Employment Bicol Region Director Ma. Zenaida Campita, bibigyan ang mga evacuees ng trabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Ang TUPAD program ay magbibigay ng 365 pisong sahod kada manggagawa bawat araw sa loob ng isang buwan.

Nagbigay din ng direktiba si Pangulong Marcos sa mga concerned agencies na magbigay ng kabuhayan sa mga pamilya at intervention programs para naman sa mga kabataan habang nasa loob ang mga ito ng mga evacuation site.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter