PBBM, pinag-aaralan ang apela ng DOH na suspendihin ang dagdag-kontribusyon ng PhilHealth

PBBM, pinag-aaralan ang apela ng DOH na suspendihin ang dagdag-kontribusyon ng PhilHealth

Pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang apela ni Department of Health (DOH) Sec. Ted Herbosa na suspendihin ang premium rate increase sa kontribusyon sa PhilHealth.

Ito ang sinabi ni Communication Secretary Cheloy Garafil.

Sa rekomendasyon ni Herbosa, ipinaliwanag nitong ang pagsuspinde sa premium rate increase ay dahil may sapat na pondo pa naman aniya ang PhilHealth para sa benepisyo ng mga miyembro nito.

Dagdag pa ng DOH secretary, hindi rin makaaapekto ang pagkaantala ng dagdag-kontribusyon sa paghahatid ng serbisyo ng PhilHealth.

Matatandaan, ngayong taon ay dapat maipatupad na ng PhilHealth ang nakasaad sa batas na 5% na dagdag-kontribusyon ng mga miyembro nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble