PBBM, pinag-iingat ng pangulo ng Liberal Party

PBBM, pinag-iingat ng pangulo ng Liberal Party

PINAG-iingat ni Albay Rep. Edcel Lagman na ngayon ay presidente ng Liberal Party si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isyu ito ng mga nagbitiw na miyembro ng kanyang Gabinete gaya ni resigned Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, resigned COA Chief Jose Calida at dating Executive Sec. Vic Rodriguez.

Ayon kay Lagman, naka’y PBBM ang appointing powers ngunit kailangan nitong maging ‘discerning and cautious’ o mapagbantay at maingat sa paglalagay ng mga tao sa pwesto.

Lalo na’t nakasalalay ang pera ng bayan sa mga mahahalagang sangay ng gobyerno.

“It is conceded that the President has the power to appoint members of his Cabinet but he must be discerning and cautious in the exercise of such power because public funds must not be wasted on the emoluments of undeserving functionaries,” saad ni Lagman.

Giit ni Lagman, dapat ibatay ng Pangulo sa ‘talent, merit, and experience’ ang pag-aappoint dahil nagre-reflect sa liderato kung sino ang mga inilagay nito sa pwesto.

“The qualification, character, and integrity of presidential appointees reflect on the wisdom or caprice of the appointing authority,” giit ng LP President.

Sa huli, sinabi ni Lagman na may problema sa vetting process dahil sa maagang pagkalagas ng appointees ng bagong Pangulo.

Follow SMNI NEWS in Twitter