PBBM, pinangunahan ang ceremonial turnover ng donasyong fertilizer mula sa China

PBBM, pinangunahan ang ceremonial turnover ng donasyong fertilizer mula sa China

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na siya ring namumuno sa Department of Agriculture (DA), ang ceremonial turnover ng donasyong urea mula sa China.

Ginanap ang event sa NFA Warehouse 5, MFC Compound sa Malanday, Valenzuela City nitong umaga ng Biyernes, Hunyo 16.

Nasa 20,000 metric tons ng urea fertilizers ang donasyon ng China sa Pilipinas.

Noong Hunyo 7, 2023, nai-deliver ang donasyong fertilizers ng China sa Pilipinas at inimbak sa NFA Warehouse 5 sa lungsod ng Valenzuela.

Kabilang sa mga tatanggap ng donasyong fertilizers ay ang DA-Regional Field Office (RFO) I, II, III, CALABARZON at DA-RFO V.

Ipamamahagi ang naturang fertilizers sa mga kwalipikadong rice farmer-benefeciaries sa targeted areas upang makatulong na mapalakas ang produksiyon ng bigas para sa FY 2023.

Kasama ni Pangulong Marcos sa event sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, Valenzuela City Mayor Weslie Gatchalian, Sen. Sherwin Gatchalian, DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban, Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian at iba pang opisyal.

Nagkaroon naman ng presentation ng handover certificate sa pagitan ng pamahalaang Pilipinas at China bilang simbolo ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter