PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng National Executive Committee of the National Movement of Young Legislators (NMYL).
Ito ay sa gitna ng ginanap na oath taking ceremony at courtesy call sa Malakanyang nitong araw ng Martes, Marso 21.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos na suportado ng kaniyang administrasyon ang lahat ng adbokasiya at proyektong gagawin ng NMYL sa ngalan ng pagkakaisa ng buong pamahalaan at paglilingkod sa mga Pilipino.
Ang NMYL ay lupon ng mga lokal na mambabatas na may edad 40 anyos pababa.
Kasama rito ang mga municipal o city councilor, municipal o city vice mayor, provincial board member, at provincial vice governor.