PBBM, pinangunahan ang unang Cabinet meeting para sa taong 2023

PBBM, pinangunahan ang unang Cabinet meeting para sa taong 2023

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang unang Cabinet meeting para sa taong 2023 ngayong Martes, Enero 10 sa Malacañang.

Sa naturang pulong, ipinagpatuloy ang pagtalakay sa mga nagawa ng bawat ahensya ng pamahalaan noong nakaraang taon.

Pinag-usapan din sa Cabinet meeting ang mga plano at programa ng bawat ahensya ngayong 2023.

Inaasahang sa pamamagitan ng mga ito, ay maipagpapatuloy ang nasimulang mga hakbang ng administrasyon ni Pangulong Marcos tungo sa maunlad na ekonomiya.

Follow SMNI News on Twitter