NAG-alay ng bulaklak si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa monumento ng kaniyang ama na si Ferdinand E. Marcos, Sr. bilang paggunita sa ika-106 na anibersaryo ng kapanganakan ng dating Pangulo.
Ginanap ito sa Marcos Monument sa lungsod ng Batac, Ilocos Norte nitong Lunes, Setyembre 11, 2023.
Pagkatapos nito, nakiisa rin ang Pangulo sa itinampok na mga lutuing bahay mula sa iba’t ibang munisipalidad sa Ilocos Norte para sa ‘Natnateng Cook-Off Showdown’ na nagtatampok ng local vegetable dishes at iba pang mga delicacy ng lalawigan bilang bahagi ng pagdiriwang.
Bago ang seremonya ng wreath-laying, dumalo si Pangulong Marcos at ang First Family sa isang thanksgiving mass.