PBBM, pinirmahan ang batas na gawing lungsod ng Cavite ang Carmona

PBBM, pinirmahan ang batas na gawing lungsod ng Cavite ang Carmona

PINIRMAHAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang batas na magbibigay-daan upang gawing bahaging lungsod na ng Cavite ang munisipalidad ng Carmona.

Ang Republic Act No. 119381 rin na nilagdaan ni Pangulong Marcos ang mag-aatas sa munisipyo ng Carmona na magsagawa ng plebisito sa loob ng 60 araw mula sa pag-apruba ng batas.

Maliban kay Pangulong Marcos ay lumagda rin sa naturang batas sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ang Carmona, Cavite batay sa 2020 Census ay may 106, 256 na kabuoang populasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter