PBBM sa Army Special Forces: Suportahan ang mamamayan sa panahon ng krisis

PBBM sa Army Special Forces: Suportahan ang mamamayan sa panahon ng krisis

SUPORTAHAN ang mamamayan sa panahaon ng krisis ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Army Special Forces.

HINIMOK ni PBBM ang Special Forces Regiment Airborne (SFRA) ng Philippine Army na patuloy na suportahan ang mamamayang Pilipino sa panahon ng krisis.

Ito’y habang tiniyak ng Pangulo ang kaniyang pangakong pagpapalakas ng mga kakayahan nito at pagsiguro ng kanilang kapakanan at ng kanilang pamilya.

“We assure you of the admin’s unassailable commitment and that of your commander in chief support in all of your undertakings, strengthening your capabilities and ensuring your welfare and that of your families,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Riverine Operations Equipment Project ng Philippine Army, pinagtibay ng gobyerno—PBBM

Sa kaniyang talumpati sa ika-61 anibersaryo ng Special Forces Regiment Airborne (SFRA) sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija, sinabi rin ni Pangulong Marcos na pinagtibay ng gobyerno ang Riverine Operations Equipment Project (ROEP).

Ito ay upang higit na mapabuti ang mga kakayahan ng SFRA sa Riverine operations, na tumutukoy sa insertion at extraction ng special forces troops para sa pagsagip at iba pang espesyal na operasyong militar.

Ang Riverine Operations Equipment Project (ROEP) ay bahagi ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kinilala ni Pangulong Marcos ang lakas ng loob at kagalingan ng mga kalalakihan at kababaihan sa special forces na nag-alay ng kanilang buhay para sa serbisyo-publiko.

“To the men and women of SFRA, we are grateful to have witnessed the efforts that leverage your expertise and demonstrate the core principles in the performance of your duties. Your mastery of unconventional warfare strategies become all the more relevant and significant in view of the complex threat that our nation now faces,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Inaalala rin ni Pangulong Marcos ang ipinagmamalaking kasaysayan ng SFRA, na itinatag noong 1962 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Inalala rin ni Pangulong Marcos ang insidente noong Marso 2023 kung saan nagsagawa ng search and rescue operations ang ika-apat na Special Forces Battalion ng SFRA sa Isabela City, Basilan, na humantong sa pagsagip sa 316 na indibidwal mula sa nasusunog na passenger marine vessel ng Aleson Shipping Lines na patungo sa Jolo Port.

Binati naman ng Pangulo ang awardees ng ika-61 anibersaryo ng SFRA para sa kanilang huwarang pagganap at kontribusyon sa rehimyento.

Kabilang sa dumalo sa event sina National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., Special Assistant to the President Sec. Anton Lagdameo, iba pang miyembro ng gabinete, AFP chief Gen. Andy Centino, Philippine Army Commander Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. at iba pang opisyal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter