PBBM sa mga Siargaonon at turista: Pairalin ang eco-friendly practices

PBBM sa mga Siargaonon at turista: Pairalin ang eco-friendly practices

PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Siargaonon at mga turista na pairalin ang eco-friendly practices.

Ito ay habang patuloy ring itinataguyod ang Siargao Island bilang pangunahing surfing destination.

Ito ang nilalaman ng talumpati ni Pangulong Marcos na binasa ng bunsong anak nito na si William Vincent Marcos, sa gitna ng opening ceremony ng 27th Siargao International Surfing Cup na ginanap sa Cloud 9, General Luna, Siargao Island.

Kinatawan ng Pangulo si William, bilang panauhing pandangal at keynote speaker sa nasabing kaganapan.

Giit ni Pangulong Marcos, ang naturang kumpetisyon ay nagpapatibay sa pagpupursige ng mga mamamayan ng Siargao sa muling pagbangon mula sa mapangwasak na epekto ng COVID-19 pandemic at Super Typhoon Odette sa mga nakaraang taon.

Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na dapat patuloy na suportahan ng mga lokal ang mga responsableng kasanayan sa pangingisda, bumili ng sustainably-sourced na seafood, at pumili ng eco-friendly cleaning at personal care products.

Ang Siargao ay kilala bilang ang surfing capital ng Pilipinas at tahanan ng ilan sa best beaches sa Asya.

Ito ay ika-10 sa Top Islands sa Asia para sa Condé Nast 2023 Traveler’s Readers’ Choice Awards.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter