PBBM, sinorpresa ang mga pamilya na bumisita sa “Tara sa Palasyo”

PBBM, sinorpresa ang mga pamilya na bumisita sa “Tara sa Palasyo”

SORPRESANG binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga pamilya na nagtungo sa “Tara sa Palasyo” nitong Martes, Disyembre 19, 2023.

Ang “Tara sa Palasyo” ay isang inisyatibo ng Social Secretary’s Office na binuksan mula Disyembre 16-24.

Tampok sa naturang aktibidad ang Christmas Display gayundin ang libreng carnival rides at kakanin sa Malacañang Kalayaan Grounds ngayong Kapaskuhan.

Libre at bukas para sa lahat ang pagbisita sa Palasyo mula 6pm-11pm.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble