PBBM, tiniyak ang suporta sa Team Philippines na kalahok sa 32nd SEA Games

PBBM, tiniyak ang suporta sa Team Philippines na kalahok sa 32nd SEA Games

NAKIBAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa send-off ceremony ng mga atleta, coaches, at iba pang bahagi ng delegasyon na tutungo sa Cambodia para sa ika-32 na Southeast Asian Games.

 “It is with great pride and good deal of pleasure that I welcome all our distinguished athletes, trainers, coaches, the rest of the Philippine delegation as you prepare to compete, to aim for the wins in the forthcoming 32nd Southeast Asian Games or the SEA Games,” saad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Humigit-kumulang 107 milyong Pilipino ang mananalangin at magpalalakas ng loob sa 840-malakas na delegasyon ng Pilipinas sa pagsabak nito sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games sa Cambodia.

Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa kaniyang talumpati sa send-off ceremony sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City nitong Abril 24.

Sinabi ni Pangulong Marcos na mataas ang kumpiyansa ng bansa para sa mga atletang Pilipino sa naturang regional sporting event.

Kinilala naman ni Pangulong Marcos ang mga sakripisyo, pagsisikap at tagumpay ng mga Pilipinong atleta na nagbibigay karangalan sa bansa.

Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng sports pagdating sa disiplina, kalusugan, at camaraderie.

“One of the greatest pleasures I have found, being the leader, is to be able to give honor and to recognize, hopefully to inspire, and to provide support to our athletes, who are in fact our ambassadors in sport and play a very, very important part beyond just their participation in such important sporting events,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Tiniyak naman ng Marcos administration sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang buong suporta nito sa lahat ng miyembro ng Team Philippines: mga atleta, coach, at trainer na magrerepresenta ng bansa sa SEA Games.

Kabilang din ang paghahanda sa pagpopondo, supply, manpower at logistics para sa Team Philippines.

“But I think it is all to the good. And once again, if this administration, this government can do anything more to support our athletes, to support sports in our country, to support the Philippine Sports Commission, the Philippine Olympic Commission who I understand are still squatting in the environs of the SCP,” ayon kay Pangulong Marcos.

Hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang lahat na sama-samang magpakita ng suporta sa mga Pilipinong atleta bago sila bumiyahe patungong Cambodia para sa SEA Games.

Ang ika-32 na SEA Games ay gaganapin sa Phnom Penh, Cambodia mula Mayo 5-17.

Farm mechanization sa Nueva Ecija, palalakasin; PBBM, namahagi ng tulong sa mga magsasaka sa probinsiya

Bago ang send-off ceremony sa Pasay, ay bumisita si Pangulong Marcos sa Nueva Ecija upang pangunahan ang iba’t ibang aktibidad ng Department of Agriculture (DA) at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) sa Science City of Muñoz.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang  pamamahagi ng iba’t ibang tulong na binubuo ng mga pondo para sa pagtatayo ng mga pasilidad na pang-agrikultura.

Gayundin ng pinansiyal na tulong para sa mga benepisyaryo na kinabibilangan ng mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka.

Tampok din sa nasabing aktibidad ang mga makinarya ng DA at PHilMech pati na rin ang iba’t ibang mura at dekalidad na produktong agrikultura.

Tiningnan naman ni Pangulong Marcos ang ilang makinarya, teknolohiya at produktong pang-agrikultura na naka-display sa loob ng Central Luzon State University (CLSU).

Kabilang sa mga kagamitang ito ang mga traktora, harvester, dryer at marami pang iba na gagamitin para sa produktibidad ng agrikultura sa lalawigan.

“Bilang inyong pangulo ay asahan ninyo na laging susuportahan ang agrikultura ng ating administrasyon”.

“Ito po, kaya naman po ako ay, inapoint  ko po ang sarili ko, bilang kalihim ng Department of Agriculture dahil po lahat ng aming pag-aaral, lahat ng aming pagpaplano tungkol sa pagbangon ulit ng ating ekonomiya ay nandiyan lagi ang agrikultura,” saad ni Pangulong Marcos.

Sinaksihan naman ng Punong-Ehekutibo ang paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) on Agriculture and Fishery Development Cooperation sa pagitan ng da-Bureau of Agricultural Research (BAR) at Agricultural Training Institute, at Kyungpook National University (KNU) ng korea.

Ang Central Luzon ay naging isang mahalagang rehiyon para sa produksiyon ng agrikultura na mayroong 552,105 ektarya ng lupain na nakatuon sa agrikultura.

Mahigit sa 80% ng lupain ng rehiyon ay nakatuon sa pagsasaka ng palay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

kay princess