PBBM, tiniyak na may malawak na karanasan at track record sa serbisyo ang mga bagong itinalagang pinuno ng DND, AFP at NSA

PBBM, tiniyak na may malawak na karanasan at track record sa serbisyo ang mga bagong itinalagang pinuno ng DND, AFP at NSA

PINANINDIGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatalaga ng ilang retiradong heneral sa mahahalagang posisyon sa kanyang gabinete, kabilang ang Department of National Defense (DND) at ang National Security Adviser (NSA).

Sinabi ni Pangulong Marcos na bago naging chief of staff (COS) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si NSA Secretary Eduardo Año, dati na itong naging group commander at nanilbihan na rin sa intelligence service ng AFP (ISAFP).

Sa madaling sabi, ani Pangulong Marcos, sanay na sanay na ang opisyal sa linyang ito at marami nang kakilalang operatiba sa intel community.

Sa pagkatalaga naman kay Secretary Carlito Galvez Jr. bilang bagong kalihim ng DND, sinabi ni Pangulong Marcos, ang pagkakaroon ng malawak na karanasan din ang dahilan kung bakit niya ito inilagay sa pwesto.

Tiningnan din ng Punong-Ehekutibo ang track record ni Galvez, na isang mahalagang kadahilanan para sa kanyang appointment.

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na humingi rin siya ng tulong sa dating peace adviser sa pagpili ng susunod na pinuno ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).

Doon naman sa muling pagtalaga kay Gen. Andres Centino bilang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ni Pangulong Marcos na ito ay dahil sa hakbang ng kanyang administrasyon na i-rationalize ang seniority ng mga opisyal. malawak na karanasan

Una nang nanilbihan si Centino bilang AFP chief of staff mula November 2021 hanggang Augost 8, 2022, nang pinalitan siya ni  Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro.

Follow SMNI NEWS in Twitter