PBBM, tumulak na papuntang Japan

PBBM, tumulak na papuntang Japan

PASADO 12:30 nang tanghali sumakay na sa eroplano papuntang japan si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Kasabaya nya si First lady Lisa Araneta-Marcos.

Ito ang pang 9 na beses na out of the country ang pangulo sa kanyang termino.

Liban sa first lady, kasama rin papuntang Japan si dating Pangulong Gloria Arroyo, senate President Migz Zubiri, House speaker martin Romualdez at ilang mga kalihim.

Sa kanyang pahayag bago umalis ay agaw pansin ang pagtawag sa pangalan ng kanyang ina na si Imelda bilang first lady.

‘’And First Lady Imelda…,’’ani PBBM.

Bagama’t may tawanan at nahagip ng camera ang eksena ni First lady Lisa Araneta-Marcos at Vice President Inday Sara-Duterte ay naipaliwanag at naitama naman ng pangulo ang kanyang pagkakamali kung saan napunta ito sa palakpakan.

‘’I’m sorry Lisa… our present First Lady,’’ saad nito.

Sa official working visit, inaasahan na mas lalo pang pagtitibayin ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan, lalo na sa aspeto ng defense, security, political, economic at people-to-people ties.

“My bilateral visit to Japan is essential and is part of a larger foreign policy agenda to forge closer political ties, stronger defense, and security cooperation, as well as lasting economic partnerships with major countries in the region amid a challenging global environment,” ayon kay PBBM.

Ang Japan ay ang kauna-unahang bansa na pumirma ng isang bilateral Free Trade Agreement (FTA) sa Pilipinas.

Ilang agreements naman ang inaasahang pipirmahan sa pagitan ng dalawang bansa ito ay patungkol sa humanitarian assistance, disaster relief, infrastructure, agriculture at digital cooperation.

Ayon sa Malakanyang sa working visit ni PBBM mula 8 ng Pebrero hanggang sa 12 ay kabilang sa dadaluhan ang pakikipagpulong kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida at ang pakikipagtagpo kay Emperor Naruhito.

Inaasahan na ibibida rin ng pangulo ang Pilipinas sa iba pang pagpupulong na dadaluhan ng mga business leaders ng Japan upang makakuha ng investment opportunities.

“In these meetings, I will be joined by my economic team and key private sector representatives who have been and will be continuously our partners in growing the Philippine economy,” saad nito.

Bago umuwi ng Pilipinas sa February 12 ay inaasahan na makakasama ng pangulo sa umaga ang Filipino Community sa Japan.

Follow SMNI NEWS in Twitter