PBBM, tutungo ng Dubai para sa ‘Climate Change Convention’ ngayong linggo

PBBM, tutungo ng Dubai para sa ‘Climate Change Convention’ ngayong linggo

NAKATAKDANG umalis si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. patungong Dubai sa Huwebes, Nobyembre 30, para lumahok sa 28th Conference of the Parties (COP28) to the United Nations Framework Convention on Climate Change.

Ito’y ilang buwan matapos siyang imbitahan ng gobyernong United Arab Emirates (UAE) noong Hunyo 2023.

Personal na inimbitahan ni UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Al-Zaabi si Pangulong Marcos na dumalo sa COP28 sa kaniyang naging courtesy visit sa Pangulo sa Palasyo ng Malacañang noong Hunyo 13, 2023.

Sa kaniyang talumpati sa turn-over ng P541.44-M People’s Survival Fund (PSF) sa anim na local government units (LGUs) sa Palasyo ng Malacañang nitong Miyerkules, sinabi ni Pangulong Marcos na gagamitin niya ang COP28 para manawagan sa pandaigdigang komunidad na manatiling nakatuon sa mga programa sa pagpapagaan ng climate change.

“We are once again poised to lead. We will use this platform to rally the global community and call upon nations to honor their commitments, particularly in climate financing,” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng COP28 sa pagtukoy sa Pilipinas bilang isa sa mga pinaka-bulnerable na bansa sa epekto ng climate change sa mundo.

“And so, we must do our part here in the Philippines. But we must also take the lead when it comes to the global move and the global aspiration that those most vulnerable communities around the world will somehow be assisted by the developing countries when it comes to these measures to mitigate and to adapt to climate change,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Inilahad ng Punong-Ehekutibo na ang climate change mitigation ay hindi lamang responsibilidad ng gobyerno, kundi lahat ng mamamayang Pilipino.

PBBM, makikipagkita sa Filipino community at magkakaroon ng bilateral meetings sa Dubai

Sa ginanap naman na pre-departure briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Asec. for United Nations and Other Organizations Maria Teresa Almojuela na unang magiging aktibidad ni Pangulong Marcos pagdating niya sa Dubai ay ang pakikipagkita niya sa Filipino community.

Sa susunod na dalawang araw naman, ani Almojuela ay ang pakikilahok ng Pangulo sa COP28 kung saan haharap siya sa World Climate Action Summit kasama ang iba pang mga pinuno ng mundo.

Magkakaroon din si Pangulong Marcos ng mahahalagang bilateral na pagpupulong sa dalawang araw na ito.

Ang unang programa para sa Pangulo sa Disyembre 1 ay ang pagbubukas ng Philippine Pavilion.

Dagdag pa ng DFA official, si Pangulong Marcos ang magiging pangunahing tagapagsalita sa side event na ito na kanilang inorganisa kasama ng gobyerno ng Kenya at ng IOM director general.

“This side event will be about the Philippines leading and pushing for a stronger global consensus, and the next is between climate change and migration,” ayon kay Asec. Maria Teresa Almojuela, DFA.

Kasunod ng mga side event na ito, makikipag-ugnayan din si Pangulong Marcos sa iba pang mga pinuno.

Sambit ni Almojuela, mayroong higit sa 140 na pinuno ng estado, pamahalaan at royalties na nagkumpirma ng kanilang pagdalo sa naturang COP28.

“There will be a COP28 presidency opening of the world climate action summit which begins at 11:45 that morning. There will also be a plenary in the afternoon – two simultaneous penuries’ and the president will be delivering the national statement in this plenary session,” dagdag ni Asec. Almojuela.

Dadaluhan din ng Punong-Ehekutibo ang Leader Session on Transforming Climate Finance.

Ang COP ay ang pinakamataas na decision-making body ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) na nagpupulong taon-taon upang tugunan ang climate change at ang cost-cutting issues nito.

“You’ve already described what it is but this COP 28 will take place in expo city Dubai from the 30th November to December 12, 2023. So, the biggest events will of course be the summit [unclear], the World Climate Action Summit and the engagements at the leader’s level,” ani Almojuela.

Aalis ng bansa si Pangulong Marcos bukas ng umaga at darating sa Dubai hapon ng Nobyembre 30 at ang una niyang programa doon ay pakikipagpulong sa Filipino community.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter