TUTUNGO si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Saudi Arabia sa susunod na buwan.
Inanunsiyo ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Antonio Morales.
Dadaluhan ni Pangulong Marcos ang ASEAN- Gulf Cooperation Council (ASEAN-GCC) Summit sa nabanggit na bansa.
Sakali mang magkita si Pangulong Marcos at si King Salman o Crown Prince Mohammed Bin Salman, ito na ang pangalawang high-level visit sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia.
Noong Setyembre 2022 ay bumisita na sa Pilipinas si Saudi Minister of Foreign Affairs Prince Faisal Bin Farhan Al Saud Bin Salman at nakipagkita ito kay Pangulong Marcos at kay DFA Sec. Enrique Manalo.