PBBM, wala pang desisyon kung dadalo sa World Economic Forum

PBBM, wala pang desisyon kung dadalo sa World Economic Forum

AMINADO si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na sunod-sunod na rin ang mga biyahe nito sa ibang bansa.

Habang sa unang Linggo ng Enero naman nakatakda ang state visit nito sa bansang China.

Kaya naman kaugnay sa imbitasyon sa kaniya na dumalo sa World Economic Forum na magaganap din sa darating na Enero sa susunod na taon ay ganito ang naging tugon ng Pangulo.

Yeah, the — Klaus Schwab was — invited me yesterday that we had a very early meeting and sinasabi nga niya that we want to hear the story of the Philippines in Davos. So I am undecided yet. It’s travelling too much. That’s already the end of January. I’m going to China on the third. Parang — like my mom says, “kailan ka nag-oopisina?” Which is — may dahilan din. So I haven’t decided. We’ll see,” ani Pangulong Marcos.

Paliwanag ni Pangulong Marcos na mas mainam na kapag pumunta na ito sa World Economic Forum ay handa na ang Pilipinas sa mga nais mamuhunan.

Samantala, maliban sa China, wala pang inilalabas ang Palasyo kung bibisita ang Pangulo sa Vietnam, Brunei, at Japan kasunod ng natanggap nitong imbitasyon.

 

Follow SMNI News on Twitter