PCG, dapat bigyan ng gobyerno ng mas mataas na pondo

PCG, dapat bigyan ng gobyerno ng mas mataas na pondo

IPINAWAGAN ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na bigyan na ng mas mataas na pondo ang Philippine Coast Guard (PCG).

Kasunod ito ng pag-pullout ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal dahil sa hindi magandang panahon at nauubos na rin ang kanilang supplies gaya ng pagkain at inuming tubig.

Nasira din ito dahil sa pagbangga ng China Coast Guard dito noong Agosto 31.

Ayon kay Estrada, dapat matugunan na ang logistical requirements ng PCG para lubos na masuportahan ang kanilang misyon na bantayan ang maritime territory ng bansa.

Mainam kung magkaroon din ito ng mga teknolohiya na mabisang magagamit lalo na kung masama ang panahon.

Partikular na ninanais din ng senador para sa mga crew ng BRP Teresa Magbanua ang magkaroon ito ng medical at welfare support mula sa gobyerno.

Ang BRP Teresa Magbanua ay naka-station sa Escoda Shoal simula noong Abril upang bantayan ang teritoryo ng bansa mula sa umano’y reclamation activities ng China.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble