PCG, kasado na para sa pagtulong ng seguridad sa inagurasyon ni Pangulong BBM

PCG, kasado na para sa pagtulong ng seguridad sa inagurasyon ni Pangulong BBM

KASADO na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa pagpatutupad ng seguridad sa araw ng inagurasyon ni President- elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Napag-alaman ng SMNI News kay PCG Commandant,  Admiral Artemio M. Abu, na  inatasan sila ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang tiyakin na maipatutupad ang mahigpit na seguridad sa gaganapin inagurasyon ni BBM.

Aniya magpapakalat ng PCG personnel upang palakasin ang Task Group Maritime Security – NCR-Central Luzon na naatasang magbantay sa kaligtasan ng karagatan sa Hunyo 30.

Sinabi ni Abu na ngayon ay sinasapinal na ang mga patakaran at protocols upang maiwasan at mapigilan ang anumang tangkang panggugulo o mapigil ang itinakdang regulasyon na maglalagay sa panganib ng buhay ng publiko.

Sinabi ni Abu, magde-deploy ang Coast Guard Fleet ng mga inflatable boats, aluminum boats at personal watercraft para sa pagpapatrol sa Manila Bay at Pasig River.

Mahigit sandaang PCG security personnel ang ilalagay malapit sa bisinidad ng National Museum, kasama dito ang sasakyan ng PCG sa pagmamantine ng daloy ng trapiko sa Manila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter