Bukod sa seguridad, nag-alay rin ng medical assistance ang Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Mindanao sa mga deboto at residente sa brgy. San Jose Public Cemetery, General Santos City.
Ito ay upang masiguro ang kalusugan ng bawat dumadalo sa naturang public cemetery.
Katuwang ng CGDSM ang Medical team, K9 units EOD, PCGA 1401st Squadron, Philippine National PoliceP (PNP) Region 12, LGU Gensan at iba pang kawani ng gobyerno sa pagpapatupad ng maayos na Undas ngayong taon.
Nagtungo rin ang Coast Guard sa Antonio C. Acharon Memorial Park, General Santos City kasabay rin dito na inalerto ang Coast Guard K9 Unit at Coast Guard Explosive Ordnance Disposal para suriin ang mga kagamitang ipinapasok sa loob ng sementeryo.