NAGSAGAWA ng coastal clean-up ang Philippine Coast Guard (PCG) sa dalampasigan ng Sitio Balite, Brgy. Poblacion, Burdeos, Quezon noong Enero 14, 2025.
Pinangunahan ito ng Coast Guard Sub-Station Burdeos, katuwang ang mga residente.
Umabot sa 30 sako ng basura ang nakolekta sa naturang aktibidad.
Ayon sa CGSS Burdeos, patuloy nilang papanatilihin ang kalinisan at kaayusan ng mga baybayin upang maiwasan ang mga sakit, kalamidad, at iba pang suliraning dulot ng tambak na basura.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Philippine Coast Guard – Philippines Facebook Page.