PCG nakatanggap ng donasyong barko at iba pang assets

PCG nakatanggap ng donasyong barko at iba pang assets

NAGBIGAY ang Philippine Red Cross (PRC) ng isang barko para sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Martes, Marso 18, 2025.

Kasabay nito ay may ibinigay rin na dalawang Barracuda rigid-hulled inflatable boats ang Grab Philippines at 100 Starlink kits ang SpaceX.

Ang barkong M/V Amazing Grace na ibinigay ng PRC ay gagamitin bilang kauna-unahang humanitarian vessel ng bansa para sa iba’t ibang emergency relief, medical assistance, at disaster response.

Ang dalawang Barracuda boats ay gagamitin sa coastal patrols, search-and-rescue, maritime law enforcement, at maritime environmental protection.

Ang mga Starlink kit naman ay magbibigay sa PCG ng high-speed network connectivity kahit sa mga liblib na rehiyon sa karagatan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble