PCG, patuloy ang paghahanap sa nawawalang helicopter na “Yellow Bee”

PCG, patuloy ang paghahanap sa nawawalang helicopter na “Yellow Bee”

PATULOY ang search and rescue (SAR) operation ng Philippine Coast Guard (PCG) para mahanap ang nawawalang helicopter na “Yellow Bee.”

Kahapon, Marso 6, 2023, nilibot ng PCG SAR Team ang mga katubigang sakop ng mga isla ng Candaraman, Canibungan, Matangule, Sebaring, at Bugsuk sa Palawan.

Nilapitan din ng PCG SAR Team ang mga lokal na mangingisda para malaman kung may napansin silang palutang-lutang na gamit o kahina-hinalang insidente na maaaring may kaugnayan sa hinahanap na helicopter.

Matatandaang Marso 1, 2023, nakipag-ugnayan ang Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC) sa PCG matapos mawalan ng contact sa Yellow Bee na may sakay na pasyente mula Mangsee Island papuntang Brooke’s Point.

Follow SMNI NEWS in Twitter