PCG, pinag-iingat ang mga aplikante laban sa “fixer”

PCG, pinag-iingat ang mga aplikante laban sa “fixer”

PINAG-iingat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga aplikante nito laban sa mga taong nagpapakilala bilang “fixer” para masiguro ang kanilang pagpasok sa serbisyo.

Ito ay kasunod ng isinagawang joint entrapment operation laban sa isang Princess Sandra Macapeges o mas kilala bilang “Princess” kahapon Oktubre 10, 2022.

Ayon sa PCG, lumalapit ang suspek sa mga aplikante para makakuha ng pera kapalit ang pangakong makakapasok sila bilang miyembro ng PCG.

Pagdating ng mga otoridad sa isang mall sa Parañaque City, nahuli ang isang nagngangalang Sherhana Hatae na napag-utusan ni Princess na tumanggap ng pera mula sa mga aplikante.

Ngayong araw, nagpapatuloy ang paghahanap ng mga operatiba kay Princess na sinasabing nananatili sa isang condominium sa Parañaque City.

Follow SMNI NEWS in Twitter