PCG tuluy-tuloy ang ginagawang pagtulong sa mga apektado ng kalamidad sa Davao Oriental

PCG tuluy-tuloy ang ginagawang pagtulong sa mga apektado ng kalamidad sa Davao Oriental

TULUY-tuloy ang ginagawang pagtulong ng Coast Guard District Southeastern Mindanao at PCG Auxiliary (PCGA) sa mga pamilyang apektado ng pagbaha sa Governor Generoso, Davao Oriental.

Ikinarga ng Coast Guardians sa BRP Tubbataha (MRRV-4401) sa Panacan, Davao City ang aabot sa 600 sako ng bigas, mahigit 100 galon ng tubig at nasa 50 hygiene kits at mga damit na ipamamahagi sa mga apektadong residente.

Samantala, ideneploy ng Philippine Coast Guard K9 Force ang karagdagang tatlong Search and Rescue (SAR) Dogs bilang karagdagang puwersa sa isinasagawang search and rescue operation sa mga biktima ng landslide sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro.

Sa ngayon, base sa huling tala ng Municipality of Maco, aabot na sa 85 ang narekober na bangkay mula sa gumuhong lupa sa nasabing lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble