TUTULONG sa pagtiyak ng ligtas at mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 sa Southern Tagalog ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Tutulong ang PCG sa sa pagsisigurong ligtas at mapayapa ang isasagawang BSKE 2023 sa Southern Tagalog.
Ito ang inihayag ni CG Commodore Geronimo Tuvilla, Commander of Coast Guard District Southern Tagalog kay Police Region Office Region IV-A Director, Police Brigadier General Carlito Gaces, sa kaniyang courtesy visit sa Camp Vicente Lim.
Ayon kay Tuvilla, isasailalim sa heightened alert ang kanilang districts, stations at sub-station dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan upang masiguro ang ligtas, tama at patas na pagsasagawa ng eleksiyon.
Magdedeploy rin aniya ng frontlines personnel at K9 units kasama ang iba pang katuwang na law enforcement agencies para sa mas mahigpit na pag-iinspeksiyon sa mga polling precincts at vote counting centers.
Nakatakdang isagawa ang BSKE sa bansa sa Oktubre 30, 2023.