PCGG, dapat tutukan ang mga korap at ‘di lamang ang Marcoses – BBM

PCGG, dapat tutukan ang mga korap at ‘di lamang ang Marcoses – BBM

DAPAT bantayan din ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang lahat ng mga sangkot sa korupsyon at hindi lamang ang mga Marcos.

Ito ang inihayag ni presidential candidate Bongbong Marcos sa isang pesidential interview.

Binigyang-diin pa nito na ang lahat ng kinahaharap ng kanyang pamilya kaugnay sa ill-gotten weath ay nasa korte na.

Sinabi pa ni BBM na iba na ang panahon ngayon kung saan hindi ang umanong nakaw na yaman ng Marcos ang isyu bagkus ang mga graft and corruption sa gobyerno.

Sakali namang mananalo ito ngayong eleksyon, plano nitong bigyan ng pondo ang PCGG upang mapalakas ang pagbabantay nito sa mga korap upang ‘di na makagawa ng kalokohan.

Follow SMNI NEWS in Twitter