NILINAW ng Presidential Communications Office (PCO) na wala silang troll farms o troll armies.
Tugon ito ni PCO Sec. Cheloy Garafil sa sinabi ni Sen. JV Ejercito na mayroong aniyang nadiskubre ang mga senador noong nagdaang Kongreso na ginagamit ang public funds para sa troll farms para magpalaganap ng fake news sa social media.
Ayon kay Ejercito, 1,479 contractual employees ang ginagamit bilang trolls.
Sinabi ng PCO, nasa 363 lang ang kanilang empleyado at isa rin anila sila sa biktima ng fake news.