PCSO GM Robles sa mga Pinoy: Huwag tangkilikin ang ilegal na sugal

PCSO GM Robles sa mga Pinoy: Huwag tangkilikin ang ilegal na sugal

MAY payo ngayon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga Pinoy na mahilig sa illegal gambling.

One strike policy ang ipaiiral ngayon ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga police commander na mabibigo sa pagsawata sa jueteng at iba pang uri ng ilegal na sugal sa kanilang lugar.

Ito ang bagong mandato ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa pulong kay PCSO General Manager Mel Robles.

Ayon kay Acorda, mas malawak ang gagawin nilang anti-illegal gambling operations sa bansa.

Para naman kay Robles, welcome development ang bagong mandato ng PNP.

Lalo na sa buwis na nawawala sa kaban ng pamahalaan dahil sa ilegal na sugal.

“Kaya ito ay napakagandang development na magpapatupad po ng one-strike policy. Generally po ito po ay upholding the rule of law. Yan po ang nakikita ko diyan kaya napakaganda niyan. Hindi lamang po ito anti-gambling, tayo po ay conscious na ang illegal ay hindi dapat gawin,” saad ni Mel Robles, General Manager, PCSO.

Diin pa ni Robles na lubhang mapanganib sa mga Pinoy ang unregulated na mga sugal.

Pinagmumulan aniya kasi ito ng iba’t ibang krimen.

Halimbawa dito ang pagkakadawit ni suspended Congressman Arnie Teves sa e-sabong na ngayon ay nagsanga-sanga na sa iba’t ibang isyu gaya ng sa Degamo slay case.

Kaya tama aniya ang mandato ngayon ng bagong pamunuan ng PNP.

“Ito po yung tinatawag kong gateway crime, ano po? Ito po’y nagsisimula po karamihan po ng mga syndicate groups ay nagsisimula sa napaka-innocent na illegal gambling pero naga-graduate sa illegal drugs. Naga-graduate sa KFR, gun for hire kasi po you get to sensitized with the illegal eh. Basta ilegal po hindi po dapat yan tangkilikin at namamanhid po ang tao sapagkat akala nabu-blur na siya sa tama at mali eh- legal at ilegal,” dagdag ni Robles.

Batay sa isang Social Weather Station survey, 63% ng mga Pinoy ang nagsabing morally wrong ang illegal gambling.

Ngunit 59% ng mga sumali sa survey at tumataya pa rin sa ilegal na sugal.

63% ng Pilipino, pabor na morally wrong ang illegal gambling

Batay naman sa 2019 data ng Philippine Statistics Authority, mahigit P205-B ang naimbag sa ekonomiya ng mga establisyementong involved sa ilegal na sugal.

Kaya payo ngayon ng PCSO, kung hindi mapigil ang pagtaya, ay sa government regulated gaming magpunta.

Lalo na’t para sa mga progama ng pamahalaan ang revenues ng PCSO games gaya ng lotto.

“Opo, malaking bagay po ang regulated. Bawal ang bata, at hindi naman po ganoon kadalas no? We only have 3 draws a day, o so hindi po aabutin yung point na aabusuhin na natin at wala kanang magagawa,” ani Robles.

Lahat ng charity fund ng PCSO ay napupunta sa implementasyon ng Universal Health Care Law.

Pati na sa health programs at medical assistance sa iba’t ibang ospital sa bansa.

Dito rin kinukuha ang pang-ayuda sa mga biktima ng bagyo, baha at iba pang kalamidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter