PCSO, nagbigay ng P33.9-M medical aid, sa mahigit 5k indigents

PCSO, nagbigay ng P33.9-M medical aid, sa mahigit 5k indigents

NAGBIGAY ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng Php33.9 milyon na tulong-medikal sa kabuuang 4,949 na kwalipikadong benepisyaryo sa buong bansa mula Enero 16-20.

Ang pondo ay inilabas sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Medical Access Program (MAP) nito na kilala bilang individual medical assistance program, at idinisenyo upang dagdagan ang tulong-medikal para sa mga mahihirap na Pilipino, partikular sa mga naospital, napa-chemotherapy, nagdadialysis at mga post-transplant na gamot. PCSO

Samantala, kabilang sa mga benepisyaryo ang 654 indigents mula sa National Capital Region na nakatanggap ng Php7.7 milyong halaga ng tulong, 965 mula sa Northern at Central Luzon na binigyan ng Php7.6 milyon; at 1,271 mula sa Southern Tagalog at Bicol Region na nakatanggap ng Php6.2 milyon.

Sa Visayas, 984 na indibidwal ang nabigyan ng Php6.1 milyon na tulong-medikal habang 1,075 na indibidwal ang nakatanggap ng Php5.7 milyon sa Mindanao.

Follow SMNI NEWS in Twitter