PCSO ng Marcos Jr. Admin, pinuna ng dating opisyal ng tanggapan

PCSO ng Marcos Jr. Admin, pinuna ng dating opisyal ng tanggapan

IMPOSIBLE para kay Dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam na magkaroon ng winning spree sa lotto games ng PCSO sa loob lamang ng ilang buwan.

Batay sa record, nasa 538 katao ang naka-jackpot sa lotto mula Hulyo 1, 2022 hanggang Setyembre 30, 2023 o sa first 15 months ng Marcos Jr. administration.

Ang pinakamalaking jackpot na napanalunan sa panahong ito ay P521.2-M sa UltraLotto noong Disyembre 30, 2022 na pinaghatian ng dalawang tao.

Sa kaparehas na panahon, 10 indibidwal ang nanalo sa UltraLotto 6/58 jackpot.

Sa mga draw ng GrandLotto 6/55 sa parehong panahon, 450 ang naka-jackpot.

Kasama rito ang kontrobersiyal na draw noong Oktubre 1, 2022 kung saan 433 na mga bettor ang nanalo at naghati sa P236-M na pot money.

20 bettor naman ang naka-jackpot sa SuperLotto 6/49 sa nasabing panahon—ang pinakamalaki ay P188.4-M sa October 23, 2022.

Hindi pa kasama sa mga nabanggit ang nanalo ngayong 2024 na bilyon-bilyon din ang pot money.

Nauna nang sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na hindi nila minamanipula ang resulta ng lotto games.

“We assure you that we can never manipulate it. Kaya nga allow kami mag bet. Even I can bet because it’s beyond me,” pahayag ni PCSO General Manager Mel Robles

Ngunit para kay Cam.

‘‘Masakit ang loob ko! Dahil noong kapanahunan namin, nahihirapan manalo ng kahit limang milyon buwan-buwan. Minsan lang nagkaroon ng almost P1-B pero inabot ‘yun ng 7-10 months bago makuha ng dalawang winner,’’ ayon kay Sandra Cam, Former PCSCO Board Member.

Naimbestigahan na sa Senado ang mga opisyal ng PCSO pero nawala rin ang momentum.

Banat naman ni Cam sa kasalukuyang PCSO Management.

‘‘Ngayon lang ako even in the previous administration, walang nanalo ng P600-M, P140-M, P280-M in a month!’’

‘‘Ang loob ng PCSO ngayon, ay puno ng sindikato,’’ dagdag pa ni Cam.

Samantala, suportado naman ni Cam ang Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally kaya diretso ito ng Liwasang Bonicio mula sa airport.

At dahil sa people’s response sa prayer rally, nasabi ni Cam ang patungkol sa tinawag niyang polvoronic video.

Video ng paggamit ng ilegal na droga ng isang hindi niya pinangalanang opisyal.

Sinasabing ‘polvoronic video’ ng isang mataas na opisyal, ‘darating at lalabas’

‘‘Sa sambayanang Pilipino at sa mga nagmamahal sa ating bansa, ng ating demokrasya, dapat pumunta na kayo dito sa Liwasang Bonifacio. Dahil darating at dadating, lalabas ang video ng isang taong mataas ng pulvoron…’ saad pa ni Cam.

Nauna nang iginiit ni FPRRD na mula noon hanggang ngayon ay bangag o high sa illegal drugs si Marcos Jr.

Hanggang ngayon, hindi pa kumakasa sa hamon ni Duterte na magpa-drug test ang anak ng diktador.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble