TULUY-tuloy ang programa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagtulong sa mga nangangailangan na may slogan na “PCSO, Hindi Umuurong sa Pagtulong”.
Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, sa isinagawang pulong balitaan sa Quezon City sinabi niya na nakatutok din ang PCSO sa mga illegal gambling na malaking dakok sa bansa.
Dapat aniya ang ilegal ay tigilan na kung may narco politics ay meron din gambling politics dapat matuto na sa legal.
Sinabi ni Robles, ang mandate ng PCSO ay sa pamamagitan ng charity at health care na prayoridad ay tumulong.
Samantala katulong ng PCSO sa pagsawata ng ilegal na sugal ang Philippine National Police (PNP) sa nanamantala sa lipunan na ginagamit ang STL 2 numbers ng mga manlalaro sa pamamagitan ng juweteng sa bansa.
Ayos kay Robles nakahanda na rin ang PCSO sa paparating na Bagyong Marwan o Betty sa Central Luzon, upang tugunan ang kanilang pangangailangan sakaling salantain ang Central Luzon.