3 drug personalities ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) South Cotabato Provincial Office sa isinagawang buy-bust operation na nauwi sa pagkakalansag ng isang drug den sa Purok Rosas, Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato nitong Pebrero.
Sa report na isinumite ng PDEA South Cotabato Provincial Office kay Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang mga suspek na sina John Paul Coralde at Adelmita alyas JP (drug maintainer), 21 anyos; Lester Plantig at Flannel, 20; at Chief Caguisano at Mayor, 23, pawang residente ng Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato.
Nabatid na nakumpiska sa operasyon ang 11 sachet ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na may timbang na mahigit sa 12.3 gramo na may tinatayang halaga na P83,600, tatlong foil strip na may hinihinalang shabu residue, buy bust money, at isang cellular phone.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa PDEA RO XII Custodial Facility at kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165.